Who is viewing

Showing posts with label filipino wife. Show all posts
Showing posts with label filipino wife. Show all posts

Sunday, April 15, 2012

Ugali Ni Juan, Sa kainan ayaw kainin ang huling piraso nang pagkain

Madalas mo ba napapansin kapag kayo ay nagsasalo-salo at malapit nang maubos ang pagkain, Bakit parang ayaw  dumampot nang last piece? at madalas pa nga, nag tuturuan kung sino ang kakain nito? kaya minsan ang last piece na yun ay aabutin pa nang mahigit na isang oras bago maubos. At maririrnig mo '' O bat di nyo pa ito ubusin'' at walang nag lalakas nang loob na ito ay kuhain.

                                 image via  redstaplerchronicles.com
Mga Dahilan bakit ayaw ito kainin
1) Baka masabihan na matakaw
2) Ikaw ang mag huhugas nang plato or mag tatapon nang box kung ikaw ang kukuha
3) Baka ikaw ang magbayad dahil ikaw ang ituturo na nakaubos nang madame
4) Nahihya ka , kasi mga bago mo palang kakilala ang kasalo mo sa pagkain
5) Nag papacute, lalo na ang mga babae. ( Palage sila nag titira)
6) Walang pang Ambag
7) Baka Busog na ( dahil madame na nakain)
8) Gusto I take out.
9) Nakikiramdam lang, at sya ang kukuha
10) Iniisip baka may nagugutom pa

 Ano man ang dahilan, tayong mga Pilipino, ayaw natin matapos ang  kasiyahan habang nag sasalo salo, ang pagkuha nang last piece ay para naring tinapos ang kasiyahan sa kainan, Kaya walang gusto kumuha nang kahuli hulian piraso nang pagkain. Ano kaya ang iba pang dahilan?

Saturday, April 14, 2012

Pagkain ni Juan- Palaman sa tinapay ay Ice Cream

Marahil ngayon tag init, madalas ka makakakita na nag lalako nang sorbetes o tinatawag nila na ''Dirty Icream''. Matagal ko na pinag iisipan kung bakit ito tinawag na Dirty. Siguro dahil sa kadahilanan na ang mga gumagawa nito ay mga maliliit lang at kalimitan sa mga bahay lang, at wala itong quality control. ang iba naman ay nag sasabi na dahil ito daw ay nilalako, hinde raw nakkapag hugas nang kamay si mamang Sorbetero. marumi man O hinde, isa ito sa mga paborito nating Pilipino.

                                                Image via  Pbase.com
Isa sa nakatawag nang pansin ko ay bukod sa apa, si mamang sorbetero ay may dalang tinapay, kadalasan yung hamburger buns pa nga eh. tinanong ko si mamang Sorbetero kung bat may dala syang tinapay. Sabi nya pinapalaman daw sa tinapay ay ang ice cream?.Saan kaya nag mula ang pag papalaman sa tinapay nang ice cream?
                                           image via bengrobles.com 

Noon araw kasi wala pa  malalaking pagawaan nang mga pastries, waffers etc... ang mga  bumibili kay mamang sorbetero kahit na ano ginagamit para pag lagyan nang kanilang  ice cream, bowl,cups, baso etc.. eh  paano kung asa labas ka at gusto mo bumili nang ice cream? ayun! at duon umuso ang pag lagay nang ice cream sa tinapay. At hangang ngayon ito ay sikat pa din. Napaka malikhain talga ni Juan, Sige kain na!