Who is viewing

Showing posts with label mon tulfo. Show all posts
Showing posts with label mon tulfo. Show all posts

Saturday, May 26, 2012

Video na nag papatunay na kampo nila Raymart ang Nauna...

click here to see video
Kayo na ang bahalang humusga....

Tuesday, May 15, 2012

Punto per punto analysis, Tulfo and Raymart Brawl

Talagang mainit na mainit ang usapin ng Raymart at Tulfo brawl, Ito ay ayon sakanilang mga salaysay at kuha sa video...
1) Una, hindi maaring totoo ang giit ni Raymart na nakita daw nya di umano na kinukuhaan ng litrato ni Tulfo si Claudine at tinanong lang daw nya ito?, ayon sakanya '' Sir, ano po yan ginagawa nyo'' at bigla nalang daw sya sinuntok. Bakit naman sya biglang susuntukin? hinde naman sila mag kaaway at di daw naman  sila mag kakilala. Walang motibo si Tulfo upang gumawa ng gulo, Sila Raymart at Claudine ang may dahilan upang mang -away kay Tulfo dahil di nila nagustuhan ang pag- kuha sakanila ng litrato
2) Pagkatapos daw suntukin ni  Tulfo  si Raymart ay nagkaron ng pag aawatan, lumapit naman daw si Claudine at tinanong na '' bakit mo sinuntok ang asawa ko'' at bigla daw sya sinipa ni Tulfo ng dalawang beses, gaya ng pag sabi ni witness ''Ana'', na nakita daw nya na sinipa ni Tulfo ng isang karate kick si Claudine, kung ito man ay totoo kagaya ng sabi ni Ana, hinde na sana nakuha pa ni Claudine na lumaban at mang bugbog kay Tulfo dahil sa matinding tama ng sipa nito, kung iisipin nyo na isang karate kick? maliit lang si Caludine at si Tulfo ay higit kumulang na asa 6 feet. Malamang nabaldado na si Claudine kung talgang sya ay sinipa ng isang karate kick ni Tulfo...


3) Makikita na si Claudine ay mayroong dumi sa kanyang hita na ito daw ay bakas ng sapatos ni Tulfo? ngunit makikita sa video na wala tayong makita na marka sa hita ni Claudine habang sya ay nakikipag away.          
4) Dumipensa lang daw si Raymart sakanyang sarili, pero makikita sa video na hinde pag dipensa ang ginawa nila, Si Mon ay pinag- tutulungan ng mga kasama ni Raymart at kinuyog, ito ba ay pag- depensa lang?
5) Alam nila Raymart at Claudine na sila ay mga artista at mga public figure, na kahit walang kaguluhan ay puwede sila makunan ng litrato?  kinausap nalang sana nila ang management ng Cebu Pacific sa isang mahinahon at  hinde makatawag pansin na eksena?


ito ay pawang analysis at opinion lamang, kayo na po ang bahalang mag isip...    

Sunday, May 13, 2012

T3...

Pag na- sambit mo ang pangalang ''Tulfo'' mag kakahalo na opinion ang iyong maririrnig. Ang mga Tulfo ay binubuo ng mag kakapatid na si Mon, Raffy , Erwin at Ben. Sila ay ang mga walang takot na mamahayag na handang isiwalat ang ano mang katiwalian. Sila ay mapapanuod na may kakaibang estilo sa pamamahayag, walang takot na sitahin, minsan pa nga ay makikita na nagagalit at sumisigaw sa kanilang mga epsiodes. Sila ang takbuhan ng mga naagrabyadong maliliit.


Kaya dito sa Only In The Philippines , Saludo at huma -hanga kami sa inyong katapangan at sa inyong  public service... 

Monday, May 7, 2012

Mon, Raymart at Claudine, sino ang tama at sino ang mali?

Sino ang tama at sino ang mali? nag karon ng di magandang pag tatalo sa kampo nila Raymart Santiago at asawa nitong si Claudine Barreto at ang kolumnistang si Mon Tulfo, Galing ng Davao si Mon at nakatawag ng pansin nya ang isang babae na sumisigaw sa isang ground attendant ng Cebu pacific, ayon kay Tulfo naki sentimiento daw sya sa babae na na identify na si Claudine, dahil ay ang dahilan daw ng pag tataray nitong si Claudine ay ang pag ka- iwan ng kanilang bagahe, flight from Boracay to Manila. Ayon kay Tulfo kumuha sya ng mga litrato, at ng biglang lumapit si Raymart, na pilit inaagaw ang kanyang cellphone at duon na nag umpisa ang bugbugan. 
Makikita na pinagtutulungan dito si Mon Tulfo

    Normal naman talaga na kung minsan ang mga bagage ay hindi nasasama sa flight dahil  sa  masyadong overweight na ang bigat ng eroplano, pero dapat ang mga pasahero ay na informed kaagad na mag kaka-delay sa kanilang mga bagage. Ito naman si Claudine ay dapat kinausap  ng maayos ang ground staff ng Cebu Pacific at di  nag tatalak na tumawag ng pansin sa mga tao sa loob ng airport. Trabaho ni Mon bilang isang journalist ang lumagap ng balita, siguro di umano, kaya gusto makuha ng kampo nila Raymart ang cellphone ay ayaw nila makita kung paano nila tratuhin at alipustahin ang staff ng Cebu Pacific. Normal lang ang magiging reaksyon ni Mon sa ginawa na pag lapit at pag pilit na pag kuha sakanyang cellphone, kahit sino naman ay ganyan din ang magiging reaksyon. Ayon sa statement ni Raymart ng mapansin nya na may kumukuha ng litrato ay nilapitan daw nya si Mon at sabi nya " Sir ano po ang ginagawa nyo at bigla nalang ako sinuntok'' ? sa tingin nyo accurate ang pag saslaysay ni Santiago? una, hindi naman kayo kaaway ni Mon upang kaagad kayo suntukin? Kung ayaw nyo na kayo ay makunan ng litrato or video ay  wag kayo gagawa ng ingay na  makaka -tawag ng pansin sa mga tao duon sa loob ng airport. Kung kinausap nyo sana ng maayos ang management ng Cebu Pacific,di  naging maayos ang pag resolba ng problema, at di na sana nauwe sa isang suntukan at bugbugan.