Who is viewing

Showing posts with label aeta tribe. Show all posts
Showing posts with label aeta tribe. Show all posts

Sunday, September 9, 2012

Leptospirosis panganib dulot ng baha...

Alam nyo ba ang sakit na Leptospirosis ay possibleng makuha sa pag lusong sa baha, ngayon panahon nang tag ulan. Iwasan ang paglusong sa baha, o kaya ay mag suot nang kaukulang proteksyon kung di maiiwasan, kagaya nang pagsuot ng bota. Ito ay possibleng mag dulot nang kamtaayan kung di malulunasan. Ito ay nakukuha mula sa ihi ng daga, sa pag lusong sa tubig na kontaminado ng ihi.

Ang dulot nito ay ang pag kasira ng mga organs sa katawan kagaya ng Liver at kidney. Kaya iwasan ang pag lusong sa baha. Pero kung ganito naman ang kasabay ko, di bale na ako ay lulusong...


Thursday, May 3, 2012

Ang sayaw ng hayop ng mga aeta...

Kami ng mga ka- grupo ko ay umakyat sa isang bundok sa may Zambales sa Mt. Cinco Picos, o ibig sabihin ay 5 peaks, sadyang masyadong malayo at mahaba ang lakadin.

Sadyang napakalayo ng Cinco Picos
  At dun ko nakilala ang isang Aeta guide na si James. Ayon kay James madalas daw talga sila mag Guide sa mga tourista, mga mountaineer na nais maakyat at makita ang kagandahan ng Cinco Picos.


Ang sabi nya sakin ito daw ang madalas nilang pag kakitaan, kung minsan sila ay nangangahoy sa kagubatan kung bihira ang umaakyat. Madami kami napag kwentuhan habang kami ay nag lalakad, kwento nya sakin ang tungkol sa mga katututubong aeta, sabi nya may mga aeta na nalahian na daw ng mga unat? sabi ko ano ba yung unat, ung mga kagaya ko daw na unat ang buhok. Tanong ko naman sakanya '' James ikaw ba may asawa na?'' sagot naman nya '' wala pa po kasi mahirap ang buhay''. Mahirap talaga ang kanilang maliit na barangay ,masyadong malayo sa kabihasnan wala din silang health center na malapit para sakanilang pangangailangan pangkalusugan. kaya laking tuwa nila kung mayroong mga aakyat sa kabundukan upang kanilang ma-guide. Habang kami ay nag papahinga sabi sakin ni James kung gusto ko daw makita ang kanilang sayaw ng hayop? sabi ko sige at nang aking makita.

                                           click to see video