Who is viewing

Showing posts with label Philippines. Show all posts
Showing posts with label Philippines. Show all posts

Thursday, May 3, 2012

Ang sayaw ng hayop ng mga aeta...

Kami ng mga ka- grupo ko ay umakyat sa isang bundok sa may Zambales sa Mt. Cinco Picos, o ibig sabihin ay 5 peaks, sadyang masyadong malayo at mahaba ang lakadin.

Sadyang napakalayo ng Cinco Picos
  At dun ko nakilala ang isang Aeta guide na si James. Ayon kay James madalas daw talga sila mag Guide sa mga tourista, mga mountaineer na nais maakyat at makita ang kagandahan ng Cinco Picos.


Ang sabi nya sakin ito daw ang madalas nilang pag kakitaan, kung minsan sila ay nangangahoy sa kagubatan kung bihira ang umaakyat. Madami kami napag kwentuhan habang kami ay nag lalakad, kwento nya sakin ang tungkol sa mga katututubong aeta, sabi nya may mga aeta na nalahian na daw ng mga unat? sabi ko ano ba yung unat, ung mga kagaya ko daw na unat ang buhok. Tanong ko naman sakanya '' James ikaw ba may asawa na?'' sagot naman nya '' wala pa po kasi mahirap ang buhay''. Mahirap talaga ang kanilang maliit na barangay ,masyadong malayo sa kabihasnan wala din silang health center na malapit para sakanilang pangangailangan pangkalusugan. kaya laking tuwa nila kung mayroong mga aakyat sa kabundukan upang kanilang ma-guide. Habang kami ay nag papahinga sabi sakin ni James kung gusto ko daw makita ang kanilang sayaw ng hayop? sabi ko sige at nang aking makita.

                                           click to see video


Sunday, April 29, 2012

Wednesday, April 25, 2012

Ganito ang tingin satin?

Ito ay nakatawag ng pansin sakin, ngunit di ko sya masisi dahil totoo naman karamihan ng kanyan sinasabe... Sana dumating ang araw na magbago ang lahat...Sana mag mulat sa atin ito....

Click to see video - Here

Sunday, April 22, 2012

Scarborough Shoal is Ours!


Please Don't let them take, what is ours....   



IPAG LABAN ANG ATING KARAPATAN!

Pati Daga gusto na tumakas sa Pilipinas

Natawa naman ako sa nabasa ko na isang Qatar Airways Aircraft ang na delay dahil sa isang daga?. Di umano, pa lipad na ang eroplano, ngunit isang daga ang nakita sa economy class na tumawid. Pinababa lahat nang pasahero ,nilagyan ng trap at fumigate ang buong eroplano. Ngunit di pa din nakita ang walang boarding pass na daga , at possible na nakasama na sa flight. Ito ang sanhi ng halos 13 hours na flight delay, ayon sa head ng Manila International Airport. 

image via http://stray-notes.blogspot.com
Alam nyo ba na ang US embassy ay nakakatnggap nang 700 to 1000 applications a day for non-immigrant visa? Ganito na ba kahirap ang buhay ngayon sa Pinas at pati mga daga ay nagsisitakas na? 

Saturday, April 21, 2012

Kay Juan ba ang Scarborough Shoal?

Ang Scarborough shoal o Panatag shoal, ay kasama sa 200 nautical miles na tinatawag na Exclusive Economic Zone. Ito ay mayaman sa lamang dagat , kaya ganon nalamang ang interes nang mga Chino. Ang ating claim is supported by international law, ngunit ang sa China ay naman ay historical. Ayon sa mga Intsik ito daw ay nadiskubre at nailagay sa mapa nun panahon pa nang Yuan Dynasty (1279) , Ito rin daw ang historical fishing ground nang mga intsik na mangingisda. Ang historical claim ay dapat  suportado nang historic titles, at ito ay hinde batayan sa pag aangkin nang isang teritoryo. Bakit nalang kaya ganon kalakas ang loob nang Intsik na ito ay subukan na sakupin? Iisa lang ang aking sagot, sa pagkat alam nang Intsik na tayo ay walang sapat na kagamitang pang digma at sapat na kakayanan upang sila ay supilin.

Ang Pilipinas ay determinado na ayusin ito sa isang diplomatikong paraan,ngunit tumanggi naman ang China na dalin ito sa International court.Ang gusto nang China ay pag usapan nalang nang Pilipinas at China ang mga issue dito. Sa aking paniniwala ito ay walang pupuntahan? bakit? pinapakita lang nang Tsino ang kanyang lakas na pang Militar. Patuloy pa syang nag dadala nang kanyang barko dito, kung totoong malakas ang claim nang mga tsino dito at  sila ay suportado nang documento, bakit ayaw pa nila ito dalin sa International court?.

Batid nang China na ang may claim dito ay Pilipinas, ito ay napaka lapit sa Zamabales,at  ito ay asa loob nang EEZ. Wala tayong kakayanan na makidigma sa tsina ,isa lang itong patunay na ang Tsina ay nag papakita nang kanyang lakas at impluwensya sa kagaya nating maliliit.Kailangan lang na tayo ay manindigan at ipaglaban ang ating karapatan sa isang mapayapang paraan.      

Kaisa isa nating warship BRP Rajah  Humabon na ginamit pa nun world war 2