Who is viewing

Showing posts with label pinoy. Show all posts
Showing posts with label pinoy. Show all posts

Wednesday, May 25, 2016

Underground Cemetery In Nagcarlan Laguna

It was sometime when I did the Laguna -Quezon loop on a motorcycle. Doing long distance travel on a motorcycle is economical but the rider is exposed to the elements. Found myself got nothing to do on a weekend,decided to go to Nagcarlan laguna. At about 140km from my place in SanMateo Rizal. Left the house 4:30 am travelling via the Marilaque highway passing the towns of Rizal.


 
Arrived at Nagcarlan at around 9:30 am. My destination is the underground cemetery and by the way the only one in the Philippines






A staff greeted me 

Upon registering a staff gave me an overview about the history of the place. The underground burial is used for spanish friars and be uaed by prominent families as burial site.












I did enjoy my tour ,try visiting Nagcarlan underground cemetery. Entrance is free!

Sunday, April 29, 2012

Gaano ka ka-techie?

Tayong mga Pinoy ay napaka hilig sa madaming kinakalikot or ika nga Techie daw? nun ako ay nasa elementarya wala nga noong mga cellphone na yan, pag may liligawan ka hahanapin mo pa  at tsaka ka mag bibigay ng love notes? masyadong primitib di ba? ngayon basta makuha mo lang ang number pwede na kagad mag send ng love notes... 
  Noon kailangan mo pa humingi ng picture sa crush mo, eh ngayon i-dodownload mo lang sa Facebook, haaay! ang technology nga naman... Noon pag nag research kami kailangan mo pa na mag buklat ng Encyclopedia, ngayon it-type mo lang sa google ang kailangan mo sa iyong project. Ano ba ang  gadget na hinde mo kaya mabuhay na wala? Sagutin ang Poll sa baba,i- click lang ang image...

 
Get your own Poll!



Friday, April 13, 2012

Pagkain ni Juan (Tuyo) for 75,000 $

Isang paboritong pagkain ni Juan ay ang Tuyo, samahan mo nang sinangag, itlog at sawsawan na may sili. Ayos na ang inyong agahan. Dati rati ang pagkain nang tuyo ay madalas sabihin natin na pagkain nang mahihirap, dahil ito ay mura at madalas pang tawid gutom nang mahihirap nating kababayan. Hinde nyo ba alam na mayaman man o mahirap, ang Tuyo ay isang paboritong pagkain ni JUAN

Natawa ako sa isa kong nabasa na artikulo, tampok dito ang ating paborito na TUYO, Si Michael at Gloria Lim, mag asawang Filipino- American ay nagluto nang tuyo sa kanilang Apartment sa America. Alam naman natin na pag nagluluto ka nang Tuyo ay ang buong bahay ay mangagamoy, hinde naman ito mabaho para sa atin mga Pilipino, ngunit sa ibang lahi, ito ay nakaksuka. Sila ay dinemanda nang  Missionary sisters of the sacred heart sa NewYork na nag kakahalaga ng 75,000 $ na danyos? napaka mahal naman ata ? at kanilang iginigiit na ito raw ay masama sa kalusugan?may kilala na ba kayo na nagkasakit at namatay dahil sa pagkain nang tuyo?

                                image from panlasangpinoy.net    

Ito ay umani nang magkakaibang opinion sa mga naninirahan sa apartment na tinutuluyan nila Lim, ang iba ay pumanig sa mga madre at ang iba naman ay kila Lim. Karapatan  naman daw na kainin ang ''ethnic'' na pagkain sa loob nang kanilang pamamahay. Tara kain na tyo nang Tuyo!





Filipino time, better late than never?

Ano nga ba ang Filipino time? meron na bang bagong time zone at ito ay binansagan na Filipino time? Ito ay isang halimbawa na makikita natin sa pangaraw araw,  kung ikaw ay nakakatangap nang isang imbetasyon sa isang party? sabihn natin ito ay 7 pm, bakit karamihan nang panauhin ay darating nang 7:30 pm hangang 8pm?  Isa siguro sa dahilan ay tayong mga Pilipino ay ayaw natin na mag mukang atat na atat sa isang bagay kahit gaano pa natin ka- gustong gusto.

Ngayon sa mga kabataan, uso  ang salitang ''text, text'' .Kung sila ay may lakad at di pa sigurado ang oras, kalimitan maririnig mo '' text text nalang tayo'', Ibig sabihin, ay mag te-text ako sayo kung ako ay handa na, o kung papunta na sa sa ating usapan.

Kailan  ba natin mababago ang ganitong pag uugali? Ano ba ang naidulot sayo na maganda ng PILIPINO time?  FILIPINO TIME  is always late on time!