Isang paboritong pagkain ni Juan ay ang Tuyo, samahan mo nang sinangag, itlog at sawsawan na may sili. Ayos na ang inyong agahan. Dati rati ang pagkain nang tuyo ay madalas sabihin natin na pagkain nang mahihirap, dahil ito ay mura at madalas pang tawid gutom nang mahihirap nating kababayan. Hinde nyo ba alam na mayaman man o mahirap, ang Tuyo ay isang paboritong pagkain ni JUAN
Natawa ako sa isa kong nabasa na artikulo, tampok dito ang ating paborito na TUYO, Si Michael at Gloria Lim, mag asawang Filipino- American ay nagluto nang tuyo sa kanilang Apartment sa America. Alam naman natin na pag nagluluto ka nang Tuyo ay ang buong bahay ay mangagamoy, hinde naman ito mabaho para sa atin mga Pilipino, ngunit sa ibang lahi, ito ay nakaksuka. Sila ay dinemanda nang Missionary sisters of the sacred heart sa NewYork na nag kakahalaga ng 75,000 $ na danyos? napaka mahal naman ata ? at kanilang iginigiit na ito raw ay masama sa kalusugan?may kilala na ba kayo na nagkasakit at namatay dahil sa pagkain nang tuyo?
image from panlasangpinoy.net
Ito ay umani nang magkakaibang opinion sa mga naninirahan sa apartment na tinutuluyan nila Lim, ang iba ay pumanig sa mga madre at ang iba naman ay kila Lim. Karapatan naman daw na kainin ang ''ethnic'' na pagkain sa loob nang kanilang pamamahay. Tara kain na tyo nang Tuyo!
The food of poor Filipinos that never forgotten wherever we go. I like it and will like it.
ReplyDelete