Who is viewing

Showing posts with label redhorse. Show all posts
Showing posts with label redhorse. Show all posts

Sunday, April 15, 2012

Tagay- Tagay Si Juan

Nasubukan mo na ba uminom? sa mga hinde pa, wag nyo na subukan at nang di nyo na maranasan ang sakit nang ulo kinabukasan!  alam nyo ba ang ibig sabhin nang tagay? Sa Ingles ibig sabhin ay Shot, sa Hapon, naman ay Kampai ang Cheers!.Paano ba ang ritual nang pag inom Ni JUAN? Una ,dapat  lahat nang kasapi sa inuman ay naka pwesto na paikot or naka circle, ang dahilan ay para madaling makita ang pag ikot nang tagay at madali makapag- kwenthan. Ito ay pinamumunuan nang Tanggero, sya ang nag bubukas nang bote ng alak at sya din ang nag papaikot nang baso, ika nga, Gunner sa ingles or taga bigay nang shot . Isang kaugalian na sa isang inuman ay ang pag bibigay nang unang tagay  sa mga Anito or mga espirito, Sa paraan na pag tatatapon nang unang salin ng bote sa lupa. 


                   image via  http://www.flickr.com/photos/estan/517231743/

Ang pagpapaikot ay pwde din clockwise or counter clockwise, Ang isang pinaka importante sa inuman ay ang di dapat malalagpasan nang tagay ang bawat kasapi!. Or kung minsan na dodoble ang ikot nang baso sa isang manginginom. 

Baso na tagayan -  Iisa lang ang iniinuman nang lahat nang manginginom. Marahil ay iisipin nyo na medyo unsanitary, ngunit ito ay tanda  nang pakikisama at pagkakaisa natin mga Pilipino.

Chaser - Ito ang ginagamit na pamatay lasa nang Alcohol, ito ay Tubig, juice, Ice tea etc.. 

Pulutan - Isang batas sa inuman, wag matakaw sa pulutan, pwdeng pang pulutan, mga natirang ulam, handa, delata, minsan pag walang pera ay asin.

Inumin - Ito ay depende sa napag kasunduan na inumin O minsan kung ano ang gusto nang nag papainom. Gin, Vodka, Beer, Whisky, etc...
              
Patakan - Ito ang pondo o hatian na pera sa inuman na pang gasto, Minsan meron nag ii-sponsor

Banlaw - Ito ang tinatawag nila na washing madals ay beer , ito ay ginagawa lalo na kung hard na alak ang     naumpisahan , or kung bitin pa sa alak

Yosi - Madalas ay magkakaiba nang brand dahil sa iba iba kung minsan ang yosi nang maninginom

Runner - Ito ung manginginom na inuutusan na bumili nang mga pulutan, alak, yosi etc.. Sila ung madalas na walang pang patak

                        image via http://sarilingatinkomiks.blogspot.com
Optional
Videoke
Guitar
Ka Table na chikks


Ang Tagayan ay isang paraan nang pag sama- sama nating mga Pilipino, at pag- buo nang pag kakaibigan.
Ano pa inaantay mo? Inumin na yang TAGAY MO!