Ang pagpapaikot ay pwde din clockwise or counter clockwise, Ang isang pinaka importante sa inuman ay ang di dapat malalagpasan nang tagay ang bawat kasapi!. Or kung minsan na dodoble ang ikot nang baso sa isang manginginom.
Baso na tagayan - Iisa lang ang iniinuman nang lahat nang manginginom. Marahil ay iisipin nyo na medyo unsanitary, ngunit ito ay tanda nang pakikisama at pagkakaisa natin mga Pilipino.
Chaser - Ito ang ginagamit na pamatay lasa nang Alcohol, ito ay Tubig, juice, Ice tea etc..
Pulutan - Isang batas sa inuman, wag matakaw sa pulutan, pwdeng pang pulutan, mga natirang ulam, handa, delata, minsan pag walang pera ay asin.
Inumin - Ito ay depende sa napag kasunduan na inumin O minsan kung ano ang gusto nang nag papainom. Gin, Vodka, Beer, Whisky, etc...
Patakan - Ito ang pondo o hatian na pera sa inuman na pang gasto, Minsan meron nag ii-sponsor
Banlaw - Ito ang tinatawag nila na washing madals ay beer , ito ay ginagawa lalo na kung hard na alak ang naumpisahan , or kung bitin pa sa alak
Yosi - Madalas ay magkakaiba nang brand dahil sa iba iba kung minsan ang yosi nang maninginom
Runner - Ito ung manginginom na inuutusan na bumili nang mga pulutan, alak, yosi etc.. Sila ung madalas na walang pang patak
image via http://sarilingatinkomiks.blogspot.com
Optional
Videoke
Guitar
Ka Table na chikks
Ang Tagayan ay isang paraan nang pag sama- sama nating mga Pilipino, at pag- buo nang pag kakaibigan.
Ano pa inaantay mo? Inumin na yang TAGAY MO!
On being Filipino, this is really true to be true.
ReplyDelete