Who is viewing

Sunday, April 29, 2012

Gaano ka ka-techie?

Tayong mga Pinoy ay napaka hilig sa madaming kinakalikot or ika nga Techie daw? nun ako ay nasa elementarya wala nga noong mga cellphone na yan, pag may liligawan ka hahanapin mo pa  at tsaka ka mag bibigay ng love notes? masyadong primitib di ba? ngayon basta makuha mo lang ang number pwede na kagad mag send ng love notes... 
  Noon kailangan mo pa humingi ng picture sa crush mo, eh ngayon i-dodownload mo lang sa Facebook, haaay! ang technology nga naman... Noon pag nag research kami kailangan mo pa na mag buklat ng Encyclopedia, ngayon it-type mo lang sa google ang kailangan mo sa iyong project. Ano ba ang  gadget na hinde mo kaya mabuhay na wala? Sagutin ang Poll sa baba,i- click lang ang image...

 
Get your own Poll!



Maximo Aton Saludo kami sayo....

Pag ako ay sumasakay sa Taxi, palage ko sinisidurado na may sapat ako na barya na pang bayd, Baket kaya?, kasi kalimitan di ka na sinusuklian ng mga taxi drivers, or minsan pag saskay ka, sabihin sayo kontrata nalng, ibig sabihin fix na amount babaydan mo and di na gagamitin ang taxi meter. Ngunit hindi lahat ay ganito, Si Maximo Aton ay isang taxi driver, na bukod tangi.Isang pasahero ang nakalimot sa kanyang sasakayan ng isang bag na may lamang laptop at pera na nag kakahalaga ng Php 5,000.00. Ito ay ibinalik ni Aton sa nag mamay ari, at di  humiling ng kapalit sa kanyang kabutihang ginawa....


 Sayo Anton, saludo kami sayo!, sana pamarisan ka ng lahat  

Sino ang the best? McDonalds or Jolibee, lets Vote!

Tayong mga Pinoy napaka hilig natin sa fasfoods, di nyo ba naiisip sino kaya sa mga leading burgers ang patok na patok sa panlasa nating mga pinoy? McDonalds or Jollibee




                                                                 
                                                        VS


Click on image bellow  to VOTE!


                                
Get your own Poll!

Juan's flashback...

Tanda nyo pa noong December 2002, ang napakagandang larawan na ito ni Diana Zubiri ay gumawa ng ingay sa Mandaluyong?  


Sa ibabaw ng Shaw Boulevard fly over, ipinapakita na si Diana ay isang Hitch hiker, nag simula lang sa isang simpleng photo-shoot at biglang naging isang nationwide headline. Nagsampa ng kaso si Mayor Ben Hur Abalos laban kay Diana at FHM ng ''Grave Scandal''. Ito ay umani ng mag kakaiba na opinion, at naging laman ng TV at newspaper ng halos dalawang linggo. At ano naman ang resulta? pagkatapos ng dalawang buwan, ang demanda ay iniurong. Ganito ba tyo ka conservative na wala sa lugar?       

Ano ang gamit ni Eddie Gill na shampoo?

Still remember Eddie Gil? and his famous Peluka? nasaan na kaya sya? kung sya ay ang naging presidente, sabi nya ay ''babayadan ko ang lahat ng utang ng Pilipinas''




Noong 2004 , si Eddie ay nainterview ng FHM, and sya ay tinanong ano daw ang kanyang ginagamit na shampoo, ang kanyang sagot ay? '' madami ako ginagamit na shampoo,mga imported.Halu halu naman, minsan Rejoice....''

Big Mac...


DOTA...


Friday, April 27, 2012

Laki ka ba sa Alaska?


D.O.M.

Image via  paulding.blogspot.com

Laban O Lugmok

Tanda ko pa nun  namatay si Ninoy, panahong 1983, ako ay nasa grade 3 pa. Narinig ko nuon sa aking magulang na namatay daw si ''Ninoy'', sabi ko sino ba si Ninoy? napanuod ko sa telibisyon nuong libing ni Ninoy ang mga tao ay nag sesenyas ng L sign sa-kanilang kamay. At duon ko nalamn na ang ibig sabihin pala nito ay '' LABAN''. Ito ay nauso ulit  nuong  panahon ng EDSA I rebolusyon, at nun libing ni Pangulong Cory Aquino. Saan na ba tayo ngayon? pagkatapos ng halos 29 years mula na ang  symbolong  ito ay unang winagayway. LABAN o LUGMOK ?

Facebook Timeline... Tanggal ka!



Ang Pilipinas na daw ang Social networking capital ng mundo, and tayo pa din daw ang Texting capital of the world.... Kakainis itong recent upgrade ng facebook na tinatawag na timeline. Kung ang  iba sainyo ay  na naiirita, meron na tyong solution. i download lang ang timeline remover sainyong browser, ito ay available sa Chrome, Internet explorer, Firefox..... Sinubukan ko.... It works like a charm

Click Here to download

Thursday, April 26, 2012

Bawal Dumura!

Madalas ka ba nakakita na dumudura nalang kahit saan, kahit sa pampublikong lugar? or isa ka din sa mga gumagawa nito? hehehe,  Ang House Bill 5901, layunin nito ay ang pag bawal sa pag-dura, sa mga pang publikong lugar kagaya ng iskwelahan, simbahan,malls etc... Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na kagaya ng TB, Hepatitis etc... Ang mga mahuhuli ay makukulong ng higit kumulang na 6 months, at multa ng Php 500 sa first offense,Php 1,000 sa second offense at Php 2,000 naman  sa third offense, At health seminar sa DOH. 


  
Ang mga bansang kagaya ng Singapore, India, Malaysia ,China at Davao ay may mga sariling  batas ukol sa pag- dura sa pang publikong lugar. Siguro, Dapat mag karon na din ng batas ukol  sa pag Ihi sa tabi- tabi... 

Pinoy Sex Scandal?

Bakit ba nauso ang Sex Scandal? kung ikaw ay maglalakad sa Quiapo, sa gilid lang ng banketa ay aalukin ka ng mga pirated DVD's at makikita mo na bukod sa mga pelikula ay meron silang tinda na sex scandal, Ano ba ang sex scandal video? Ito ay kuha ng mga couples having sex, with or without consent ng babae, hinde ba kumalat na parang sunog ang sikat na sikat na video ni Hayden Kho at Katrina Halili? ang sumikat muling kanta na ''Careless Whisper''. Madalas mo makikita na ang pamagat ay kalimitang lugar O pangalan ng isang Iskwlehan.... Siguro ay napanuod nyo na ang mga classic kagaya ng De Lasalle scandal, Dipolog scandal, BDO scandal.... 
La Salle scandal
Hayden Kho and Katrina Halili
Dahil sa makabogong Technology, madali na makakuha at pag- kalat ng mga naturang sex video, ang pagkalat sa mga cellphones at ng internet ay halos di na mapigilan... kaya isinabatas na ang Republic Act No. 9995,“Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009. Ano ang nilalaman ng batas na ito?

(a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;
(b) To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity, with or without consideration, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s;
(c) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s; or
(d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s.
Those found guilty of committing any of said prohibited acts will be penalized with imprisonment of not less than 3 years but not more than seven 7 years and a fine of not less than P100,000.00 but not more than P500,000.00, or both, at the court’s discretion.

Madalas ay ang mga kababaihan ang nagiging biktima,kasiraan sa reputasyon at kahihiyan ang tanging dulot ng immoral na gawin na ito... Sana ay maging mauhusay ang implementation ng batas na ito upang maprotektahan ang dangal ng ating mga kababaihan.Isa ka ba sa mga tumangkilik ng mga sex scandal? Meron ka ba na itatago sayong cellphone?      


Wednesday, April 25, 2012

Ganito ang tingin satin?

Ito ay nakatawag ng pansin sakin, ngunit di ko sya masisi dahil totoo naman karamihan ng kanyan sinasabe... Sana dumating ang araw na magbago ang lahat...Sana mag mulat sa atin ito....

Click to see video - Here

''Lolong'' ang dambuhala

Si Lolong ang naitala na pinaka malaking buwaya sa buong mundo, opisyal na sinukat ng crocodile expert na si Dr. Adam Britton nang National Geographic.Sya ay may sukat na 20 feet 3 inches, at may timbang na 2,370 pounds. Si Lolong ay nahuli sa Bunawan sa Agusan Del Norte , Matapos na mapa balita na may mga nawalang residente sa naturang lugar. Kabilang na din dito ang pag kawala ng mga ilang alagang kalabaw nang mga residente






Kamakailan sa Davao ay nag lunsad ng kanilang tinatawag na ''Croctoberfest'' ang tampok dito ay ang pag lechon ng mga alagang buwaya sa farm . Binalatan at nilechon ang ilang alagang buwaya, ang karne ng buwaya ay iniulat na mababa sa fat at mataas ang protina na taglay nito. Ngunit mariing pinag babawal ang pag huli nang mga buwaya, pinapayagan lamang kung ang buwaya ay galing sa farm ,dahil iniiwasan ang pagkawala ng mga ito. Mas mahal din ito kesa sa ordinaryong lechon. Ito ay nag kakahalaga ng higit kumulang na mga Php 2,000.00 per kilo. Sinasabe na ang lasa daw ng karneng buwaya ay mahahalintulad sa lasa ng karneng manok. 

image via http://davaocitybybattad.blogspot.com
image via http://davaocitybybattad.blogspot.com