Who is viewing

Sunday, April 15, 2012

Si Juan ay nag Batibot


Pagmulat ng mata,
Langit nakatawa
Sa batibot,
Sa batibot
Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)

Dali, sundan natin
Ang ngiti ng araw
Doon sa batibot (2x)

Tayo nang magpunta
Tuklasin sa batibot
Ang tuwa, ang saya

Doon sa batibot
Tayo na, tayo na
Mga bata sa batibot
Maliksi, masigla. (2x)
Ikaw ba ay nag BATIBOT? tandang tanda ko pa nun ako ay asa gradeschool, palagi ako nag susubaybay sa paborito nating palabas ''ANG BATIBOT''. Siguro karamihan sa mga nag babasa ngayon ay hindi nakakaalam sa BATIBOT? Ito ay ang Local na bersyon natin sa SESAME Street nang america. 

     

                image via  http://ihatecommuting.wordpress.com

Sino ang makakalimot kay Kuya Bodjie, Ate Sheena, Mang Lino, Pong, Kiko etc.. ay nakalimutan ko si Manang Bola... Isa ang Batibot sa mga nag bigay nang kasiyahan sa mga bata noon, naks tanda na pala natin. alala ko ang mga kanta na kinakanta natin nuon kagaya nang  '' Alin alin alin ang naiba'' hahaha sarap maalala noo.. ang pagiging bata. Alam nyo ba na ang concept ni Pong Pagong at Kiko matsing ay hango sa kwento ni Dr. Jose Rizal? ''ang Pagong at ang Matsing'' Ang isang layunin nang programang ito ay ang pag tuturo nang mabubuting asal sa mga bata. Nakakamiss nga at wala na nag proproduce nang mga ganitong uri nang palabas sa ngayon, puro nalang mga kartoons, huhuh?       

Ang BATIBOT ay isa sa mga programang Pilipino na mapagmamalake at kahahangaan. Ikaw? isa ka ba sa mga batang NAG BATIBOT   

No comments:

Post a Comment