Who is viewing

Saturday, April 21, 2012

Kay Juan ba ang Scarborough Shoal?

Ang Scarborough shoal o Panatag shoal, ay kasama sa 200 nautical miles na tinatawag na Exclusive Economic Zone. Ito ay mayaman sa lamang dagat , kaya ganon nalamang ang interes nang mga Chino. Ang ating claim is supported by international law, ngunit ang sa China ay naman ay historical. Ayon sa mga Intsik ito daw ay nadiskubre at nailagay sa mapa nun panahon pa nang Yuan Dynasty (1279) , Ito rin daw ang historical fishing ground nang mga intsik na mangingisda. Ang historical claim ay dapat  suportado nang historic titles, at ito ay hinde batayan sa pag aangkin nang isang teritoryo. Bakit nalang kaya ganon kalakas ang loob nang Intsik na ito ay subukan na sakupin? Iisa lang ang aking sagot, sa pagkat alam nang Intsik na tayo ay walang sapat na kagamitang pang digma at sapat na kakayanan upang sila ay supilin.

Ang Pilipinas ay determinado na ayusin ito sa isang diplomatikong paraan,ngunit tumanggi naman ang China na dalin ito sa International court.Ang gusto nang China ay pag usapan nalang nang Pilipinas at China ang mga issue dito. Sa aking paniniwala ito ay walang pupuntahan? bakit? pinapakita lang nang Tsino ang kanyang lakas na pang Militar. Patuloy pa syang nag dadala nang kanyang barko dito, kung totoong malakas ang claim nang mga tsino dito at  sila ay suportado nang documento, bakit ayaw pa nila ito dalin sa International court?.

Batid nang China na ang may claim dito ay Pilipinas, ito ay napaka lapit sa Zamabales,at  ito ay asa loob nang EEZ. Wala tayong kakayanan na makidigma sa tsina ,isa lang itong patunay na ang Tsina ay nag papakita nang kanyang lakas at impluwensya sa kagaya nating maliliit.Kailangan lang na tayo ay manindigan at ipaglaban ang ating karapatan sa isang mapayapang paraan.      

Kaisa isa nating warship BRP Rajah  Humabon na ginamit pa nun world war 2


No comments:

Post a Comment