Who is viewing

Showing posts with label dirty ice cream. Show all posts
Showing posts with label dirty ice cream. Show all posts

Tuesday, April 17, 2012

Ano ang laban nang Magnum?

Haay ang init nang panahon, sabayan mo pa nang traffic , alikabok...Sa ganitong panahon ano ba ang pang laban natin sa init? Mga pagkain ni Juan na Tiyak na mag papalamig nang inyong ulo. Ngayon sikat na sikat yang tinatawag na Magnum, at ang mahal mahal pa. Siguro naman pamilyar kayo sa mga pang palamig nating mga Pinoy ngayong summer.

1) Ice Candy - Mamili ka sa mga flavors, Mango, Melon, Avocado, Orange....
                     

  image via   http://365greatpinoystuff.wordpress.com
                   
2) Ice Buko - Isa sa mga classic na paborito

 image via  http://www.flickr.com/photos/nekomachi_heart 
  
                                                 

3) Halo- Halo - Mapapatakam ka sa sarap

                                       

4) Saging Con -Yelo - Ang sarap nang tamis nang saging, samahan mo pa nang gatas at yelo

image via   http://flavoursofiloilo.blogspot.com
                                       

5) Ice scramble - Madals nilalako sa kalye, ngayon meron na din sa mall

image via http://iloveicescramble.blogspot.com 
                                               

6) Dirty Ice cream - Sa apa, cup , or tinapay, ito ay hit na hit


7) Sa Malamig - Pamawi nang uhaw...

                             
Bukod sa mura at masarap, ito ay swak sa panlasang Pilipino, Tara Kain na!

Saturday, April 14, 2012

Pagkain ni Juan- Palaman sa tinapay ay Ice Cream

Marahil ngayon tag init, madalas ka makakakita na nag lalako nang sorbetes o tinatawag nila na ''Dirty Icream''. Matagal ko na pinag iisipan kung bakit ito tinawag na Dirty. Siguro dahil sa kadahilanan na ang mga gumagawa nito ay mga maliliit lang at kalimitan sa mga bahay lang, at wala itong quality control. ang iba naman ay nag sasabi na dahil ito daw ay nilalako, hinde raw nakkapag hugas nang kamay si mamang Sorbetero. marumi man O hinde, isa ito sa mga paborito nating Pilipino.

                                                Image via  Pbase.com
Isa sa nakatawag nang pansin ko ay bukod sa apa, si mamang sorbetero ay may dalang tinapay, kadalasan yung hamburger buns pa nga eh. tinanong ko si mamang Sorbetero kung bat may dala syang tinapay. Sabi nya pinapalaman daw sa tinapay ay ang ice cream?.Saan kaya nag mula ang pag papalaman sa tinapay nang ice cream?
                                           image via bengrobles.com 

Noon araw kasi wala pa  malalaking pagawaan nang mga pastries, waffers etc... ang mga  bumibili kay mamang sorbetero kahit na ano ginagamit para pag lagyan nang kanilang  ice cream, bowl,cups, baso etc.. eh  paano kung asa labas ka at gusto mo bumili nang ice cream? ayun! at duon umuso ang pag lagay nang ice cream sa tinapay. At hangang ngayon ito ay sikat pa din. Napaka malikhain talga ni Juan, Sige kain na!