Who is viewing

Showing posts with label filipino woman. Show all posts
Showing posts with label filipino woman. Show all posts

Wednesday, August 29, 2012

Ano say nyo...


Sunday, May 20, 2012

The Girl who cried Rape...

Isa na naman issue ang kinasangkutan ng isang Pilipina, na sya ay di umano na ni rape ng isang Panamanian diplomat. Sya raw ay nakipag date kay Erick Bairnals Shcks at inaya sa condo na tinutuluyan ni Shcks.


Makikita na nag hahalikan dito si ''Pamela'' at Shcks
  Si Pamela daw ay pinainum ng inumin na may halong drugs, na nakapang hina sa kanya at sya ay di nakapaglaban.


makikita na pag kagaling ni Pamela sa kwarto ay masayang binati nya ang tao sa may reception
 Kung sya ay na- rape ay malamang di ganito ang kanyang reaksyon na masaya sya na nakipag usap sa tao sa reception. Ang usaping ito ay umani ng malaking atensyon sa senado at DOJ, at sana ang ka- totohanan ang mananaig... 

Sino ba ang tunay na biktima? ang nag aakusa o ang inaakusahan....

Saturday, April 14, 2012

Pagkain ni Juan- Palaman sa tinapay ay Ice Cream

Marahil ngayon tag init, madalas ka makakakita na nag lalako nang sorbetes o tinatawag nila na ''Dirty Icream''. Matagal ko na pinag iisipan kung bakit ito tinawag na Dirty. Siguro dahil sa kadahilanan na ang mga gumagawa nito ay mga maliliit lang at kalimitan sa mga bahay lang, at wala itong quality control. ang iba naman ay nag sasabi na dahil ito daw ay nilalako, hinde raw nakkapag hugas nang kamay si mamang Sorbetero. marumi man O hinde, isa ito sa mga paborito nating Pilipino.

                                                Image via  Pbase.com
Isa sa nakatawag nang pansin ko ay bukod sa apa, si mamang sorbetero ay may dalang tinapay, kadalasan yung hamburger buns pa nga eh. tinanong ko si mamang Sorbetero kung bat may dala syang tinapay. Sabi nya pinapalaman daw sa tinapay ay ang ice cream?.Saan kaya nag mula ang pag papalaman sa tinapay nang ice cream?
                                           image via bengrobles.com 

Noon araw kasi wala pa  malalaking pagawaan nang mga pastries, waffers etc... ang mga  bumibili kay mamang sorbetero kahit na ano ginagamit para pag lagyan nang kanilang  ice cream, bowl,cups, baso etc.. eh  paano kung asa labas ka at gusto mo bumili nang ice cream? ayun! at duon umuso ang pag lagay nang ice cream sa tinapay. At hangang ngayon ito ay sikat pa din. Napaka malikhain talga ni Juan, Sige kain na!