Marahil ngayon tag init, madalas ka makakakita na nag lalako nang sorbetes o tinatawag nila na ''Dirty Icream''. Matagal ko na pinag iisipan kung bakit ito tinawag na
Dirty. Siguro dahil sa kadahilanan na ang mga gumagawa nito ay mga maliliit lang at kalimitan sa mga bahay lang, at wala itong quality control. ang iba naman ay nag sasabi na dahil ito daw ay nilalako, hinde raw nakkapag hugas nang kamay si mamang Sorbetero. marumi man O hinde, isa ito sa mga paborito nating Pilipino.
Image via
Pbase.com
Isa sa nakatawag nang pansin ko ay bukod sa apa, si mamang sorbetero ay may dalang tinapay, kadalasan yung hamburger buns pa nga eh. tinanong ko si mamang Sorbetero kung bat may dala syang tinapay. Sabi nya pinapalaman daw sa tinapay ay ang ice cream?.Saan kaya nag mula ang pag papalaman sa tinapay nang ice cream?
image via
bengrobles.com
Noon araw kasi wala pa malalaking pagawaan nang mga pastries, waffers etc... ang mga bumibili kay mamang sorbetero kahit na ano ginagamit para pag lagyan nang kanilang ice cream, bowl,cups, baso etc.. eh paano kung asa labas ka at gusto mo bumili nang ice cream? ayun! at duon umuso ang pag lagay nang ice cream sa tinapay. At hangang ngayon ito ay sikat pa din. Napaka malikhain talga ni Juan, Sige kain na!