Who is viewing

Saturday, April 28, 2012

Kuya, paano ba malalaman kung tuli or hinde?






Ang workbook ng aking Pamangkin...


Nay, nasan ang medyas ko...



Ang huling larawan na nakunan ko...Di na nasundan ...


Ang huling larawan ni Pedro

My friend Pedro's last picture...



Friday, April 27, 2012

Laki ka ba sa Alaska?


D.O.M.

Image via  paulding.blogspot.com

Laban O Lugmok

Tanda ko pa nun  namatay si Ninoy, panahong 1983, ako ay nasa grade 3 pa. Narinig ko nuon sa aking magulang na namatay daw si ''Ninoy'', sabi ko sino ba si Ninoy? napanuod ko sa telibisyon nuong libing ni Ninoy ang mga tao ay nag sesenyas ng L sign sa-kanilang kamay. At duon ko nalamn na ang ibig sabihin pala nito ay '' LABAN''. Ito ay nauso ulit  nuong  panahon ng EDSA I rebolusyon, at nun libing ni Pangulong Cory Aquino. Saan na ba tayo ngayon? pagkatapos ng halos 29 years mula na ang  symbolong  ito ay unang winagayway. LABAN o LUGMOK ?

Facebook Timeline... Tanggal ka!



Ang Pilipinas na daw ang Social networking capital ng mundo, and tayo pa din daw ang Texting capital of the world.... Kakainis itong recent upgrade ng facebook na tinatawag na timeline. Kung ang  iba sainyo ay  na naiirita, meron na tyong solution. i download lang ang timeline remover sainyong browser, ito ay available sa Chrome, Internet explorer, Firefox..... Sinubukan ko.... It works like a charm

Click Here to download

Thursday, April 26, 2012

Bawal Dumura!

Madalas ka ba nakakita na dumudura nalang kahit saan, kahit sa pampublikong lugar? or isa ka din sa mga gumagawa nito? hehehe,  Ang House Bill 5901, layunin nito ay ang pag bawal sa pag-dura, sa mga pang publikong lugar kagaya ng iskwelahan, simbahan,malls etc... Upang maiwasan ang pagkalat ng sakit na kagaya ng TB, Hepatitis etc... Ang mga mahuhuli ay makukulong ng higit kumulang na 6 months, at multa ng Php 500 sa first offense,Php 1,000 sa second offense at Php 2,000 naman  sa third offense, At health seminar sa DOH. 


  
Ang mga bansang kagaya ng Singapore, India, Malaysia ,China at Davao ay may mga sariling  batas ukol sa pag- dura sa pang publikong lugar. Siguro, Dapat mag karon na din ng batas ukol  sa pag Ihi sa tabi- tabi... 

Pinoy Sex Scandal?

Bakit ba nauso ang Sex Scandal? kung ikaw ay maglalakad sa Quiapo, sa gilid lang ng banketa ay aalukin ka ng mga pirated DVD's at makikita mo na bukod sa mga pelikula ay meron silang tinda na sex scandal, Ano ba ang sex scandal video? Ito ay kuha ng mga couples having sex, with or without consent ng babae, hinde ba kumalat na parang sunog ang sikat na sikat na video ni Hayden Kho at Katrina Halili? ang sumikat muling kanta na ''Careless Whisper''. Madalas mo makikita na ang pamagat ay kalimitang lugar O pangalan ng isang Iskwlehan.... Siguro ay napanuod nyo na ang mga classic kagaya ng De Lasalle scandal, Dipolog scandal, BDO scandal.... 
La Salle scandal
Hayden Kho and Katrina Halili
Dahil sa makabogong Technology, madali na makakuha at pag- kalat ng mga naturang sex video, ang pagkalat sa mga cellphones at ng internet ay halos di na mapigilan... kaya isinabatas na ang Republic Act No. 9995,“Anti-Photo and Video Voyeurism Act of 2009. Ano ang nilalaman ng batas na ito?

(a) To take photo or video coverage of a person or group of persons performing sexual act or any similar activity or to capture an image of the private area of a person/s such as the naked or undergarment clad genitals, public area, buttocks or female breast without the consent of the person/s involved and under circumstances in which the person/s has/have a reasonable expectation of privacy;
(b) To copy or reproduce, or to cause to be copied or reproduced, such photo or video or recording of sexual act or any similar activity, with or without consideration, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s;
(c) To sell or distribute, or cause to be sold or distributed, such photo or video or recording of sexual act, whether it be the original copy or reproduction thereof, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s; or
(d) To publish or broadcast, or cause to be published or broadcast, whether in print or broadcast media, or show or exhibit the photo or video coverage or recordings of such sexual act or any similar activity through VCD/DVD, internet, cellular phones and other similar means or device, notwithstanding that consent to record or take photo or video coverage of the same was given by such person/s.
Those found guilty of committing any of said prohibited acts will be penalized with imprisonment of not less than 3 years but not more than seven 7 years and a fine of not less than P100,000.00 but not more than P500,000.00, or both, at the court’s discretion.

Madalas ay ang mga kababaihan ang nagiging biktima,kasiraan sa reputasyon at kahihiyan ang tanging dulot ng immoral na gawin na ito... Sana ay maging mauhusay ang implementation ng batas na ito upang maprotektahan ang dangal ng ating mga kababaihan.Isa ka ba sa mga tumangkilik ng mga sex scandal? Meron ka ba na itatago sayong cellphone?      


Wednesday, April 25, 2012

Ganito ang tingin satin?

Ito ay nakatawag ng pansin sakin, ngunit di ko sya masisi dahil totoo naman karamihan ng kanyan sinasabe... Sana dumating ang araw na magbago ang lahat...Sana mag mulat sa atin ito....

Click to see video - Here

''Lolong'' ang dambuhala

Si Lolong ang naitala na pinaka malaking buwaya sa buong mundo, opisyal na sinukat ng crocodile expert na si Dr. Adam Britton nang National Geographic.Sya ay may sukat na 20 feet 3 inches, at may timbang na 2,370 pounds. Si Lolong ay nahuli sa Bunawan sa Agusan Del Norte , Matapos na mapa balita na may mga nawalang residente sa naturang lugar. Kabilang na din dito ang pag kawala ng mga ilang alagang kalabaw nang mga residente






Kamakailan sa Davao ay nag lunsad ng kanilang tinatawag na ''Croctoberfest'' ang tampok dito ay ang pag lechon ng mga alagang buwaya sa farm . Binalatan at nilechon ang ilang alagang buwaya, ang karne ng buwaya ay iniulat na mababa sa fat at mataas ang protina na taglay nito. Ngunit mariing pinag babawal ang pag huli nang mga buwaya, pinapayagan lamang kung ang buwaya ay galing sa farm ,dahil iniiwasan ang pagkawala ng mga ito. Mas mahal din ito kesa sa ordinaryong lechon. Ito ay nag kakahalaga ng higit kumulang na mga Php 2,000.00 per kilo. Sinasabe na ang lasa daw ng karneng buwaya ay mahahalintulad sa lasa ng karneng manok. 

image via http://davaocitybybattad.blogspot.com
image via http://davaocitybybattad.blogspot.com

Nay ano ang niluto mo?

Kapag tayo ay kumain sa mga fasfoods or restaurants, alam mo ba na ang tira tira or tinapon na pagakain sa basurahan ay magiging pagkain ng karamihan nating kababayan? Oo, yung inakala mo na sa basurahan or kanin baboy ang bagsak, ito ay kinukulekta at kinakain pa ng mga mahihirap.

image via http://multivu.prnewswire.com
Ito ay tinatawag nila na ''PagPag'', Ibig sabihin kung ano ang makitang dumi sa pagkain ay papagpagin lang. Ang mga pagkain na kinukulekta sa mga kainan ay nilalagay sa mga garbage bags, at ito ay nakalagay sa labas ng kalsada upang ito ay kolektahin nang City garbage koleksyon. Ngunit ito ay pinag aagawan pa nang mga ating mahihirap na kababayan upang kanilang makakain. Paano ba nila niluluto ang Pagpag?

Hinuhugasan muna ito
Lalagyan ng rekado at tsaka lulutuuin 
Ito ay binibenta rin sa mga karinderia
Delikado ba ang pagkain ng PagPag? Oo dahil ito ay naitapon na sa basura at masyado mataas ang bilang ng mga micro-organismo dito. Ang isang kadahilanan kung bakit hinde nag kakasakit ang ibang kumakain nito ay dahil sa pag gamit nila ng mataas na temperatura sa pag luluto? pinapatay nito ang karamihan sa mga micro-organismo, ngunit hinde lahat ng bacteria ay kaya patayin ng mataas na temperatura. Ang isa pa na disadvantage ay karamihan ng bitamina ay na sisisira pag ang pagkain ay ilang beses na naluto, kaya nawawala  na ang mga kailangan nutrition ng ating katawan.

Ang kagutuman ay isa sa mga mahahalaga na problema na dapat solutionan ng ating Gobyerno, Ang isa sa mga paraan na nakikita ko na sagot ay ang pag papalakas ng agrikultura. Palakasin ang pag papautang at pag suporta sa mga magsasaka, at ang pag papatupad ng isang totoong land reform na programa.


 


Monday, April 23, 2012

Juan as SuperMan

Si Herbert Chavez, simula pag ka bata ay isang masugid na taga hanga ni SuperMan, bat kaya ayaw nya kay Captain Barbel or kay Panday, jejeje. Sya ay nag decide na mag pa surgery, ayon sa kanya ,di na mabilang ang kanyang operation na pinagdaanan since 1995. Kagaya ng Nose job, chin augmentation, chin cleft, silicone lip injections and thigh implants.



Image via http://www.huffingtonpost.com
Binalak pa ni Herbert na ipagaya ang ilong ni Christopher Reeve , ngunit sya ay tinanggihan na nang plastic surgeon.... 
Image via http://www.cy8cy.com


Image via http://www.cy8cy.com

Image via http://www.cy8cy.com

Si Herbert ay sa ngayon nag papalano na mag pa surgery sa Japan, Upang mag pa tangkad... 



Sunday, April 22, 2012

Scarborough Shoal is Ours!


Please Don't let them take, what is ours....   



IPAG LABAN ANG ATING KARAPATAN!

Pati Daga gusto na tumakas sa Pilipinas

Natawa naman ako sa nabasa ko na isang Qatar Airways Aircraft ang na delay dahil sa isang daga?. Di umano, pa lipad na ang eroplano, ngunit isang daga ang nakita sa economy class na tumawid. Pinababa lahat nang pasahero ,nilagyan ng trap at fumigate ang buong eroplano. Ngunit di pa din nakita ang walang boarding pass na daga , at possible na nakasama na sa flight. Ito ang sanhi ng halos 13 hours na flight delay, ayon sa head ng Manila International Airport. 

image via http://stray-notes.blogspot.com
Alam nyo ba na ang US embassy ay nakakatnggap nang 700 to 1000 applications a day for non-immigrant visa? Ganito na ba kahirap ang buhay ngayon sa Pinas at pati mga daga ay nagsisitakas na? 

Saturday, April 21, 2012

Kay Juan ba ang Scarborough Shoal?

Ang Scarborough shoal o Panatag shoal, ay kasama sa 200 nautical miles na tinatawag na Exclusive Economic Zone. Ito ay mayaman sa lamang dagat , kaya ganon nalamang ang interes nang mga Chino. Ang ating claim is supported by international law, ngunit ang sa China ay naman ay historical. Ayon sa mga Intsik ito daw ay nadiskubre at nailagay sa mapa nun panahon pa nang Yuan Dynasty (1279) , Ito rin daw ang historical fishing ground nang mga intsik na mangingisda. Ang historical claim ay dapat  suportado nang historic titles, at ito ay hinde batayan sa pag aangkin nang isang teritoryo. Bakit nalang kaya ganon kalakas ang loob nang Intsik na ito ay subukan na sakupin? Iisa lang ang aking sagot, sa pagkat alam nang Intsik na tayo ay walang sapat na kagamitang pang digma at sapat na kakayanan upang sila ay supilin.

Ang Pilipinas ay determinado na ayusin ito sa isang diplomatikong paraan,ngunit tumanggi naman ang China na dalin ito sa International court.Ang gusto nang China ay pag usapan nalang nang Pilipinas at China ang mga issue dito. Sa aking paniniwala ito ay walang pupuntahan? bakit? pinapakita lang nang Tsino ang kanyang lakas na pang Militar. Patuloy pa syang nag dadala nang kanyang barko dito, kung totoong malakas ang claim nang mga tsino dito at  sila ay suportado nang documento, bakit ayaw pa nila ito dalin sa International court?.

Batid nang China na ang may claim dito ay Pilipinas, ito ay napaka lapit sa Zamabales,at  ito ay asa loob nang EEZ. Wala tayong kakayanan na makidigma sa tsina ,isa lang itong patunay na ang Tsina ay nag papakita nang kanyang lakas at impluwensya sa kagaya nating maliliit.Kailangan lang na tayo ay manindigan at ipaglaban ang ating karapatan sa isang mapayapang paraan.      

Kaisa isa nating warship BRP Rajah  Humabon na ginamit pa nun world war 2


Juan's Top ilong personalities

Malamang marami sa inyo ang nag tanong sa inyong mga nanay, na kung bakit ganito ang korte nang ilong nyo?ako ay isa sa mga nangahas na alamin ang dahilan, ang sagot ni Nanay, ''anak kasi nun bata ka pa habang karga ka ni Tatay mo, nabitawan ka nya at sakto naman na ang muka mo ang tumama at ayun napisak ang ilong mo''. Naging madalas na biruan talaga ang korte at itsura nang ilong nating mga Pilipino, Di ba nga sa kanta ni Heber "' Wag kang mahihiya kung ang ilong mo ay pango'' Wag ismulin kung pango ang ilong ni Juan, alam nyo ba na may naiidudulot din itong advantage?


Juan's Top ilong personalities

Manny Pacquiao  -Sa tingin nyo kung ang ilong ni Pacman ay matangos, hinde ba mas madali ito tamaan nang suntok ?


Allan K - Papahuli ba ang pambansang ilong ni Allan , dahil sa kanyang ilong, sumikat at nakilala si Allan bilang isang magaling na TV host at comediante



Mike Enriquez -Sino ang hindi nakakakilala kay Mike , Sya ay isang sikat na TV/Radio  announcer. Kita nyo naman ang kayang malake at dapang ilong




Jano Gibbs -  Ay  isang magaling na host /singer/actor, sya ay nag simula mag artista nun 1985, sa show na ''That's Entertainment'' Di naging hadlang ang kanyang malake at pangong ilong. 




 Ogie Diaz  - kilala bilang comedian ,actor, news reporter.Sya ay sumikat sa palabas na '' Palibhasa Lalake"




Panchito - Ay nakilala bilang comediante at madalas na kasama ni ''Dolphy". Sya ay sumikat sa pagkakaron nang napakalaking ilong sa showbiz. 




Chocoleit- Isang magaling na standup comedian/actor . Sya ay nagsimulang sumabak sa ''Punchline'' at ang mga dating kasamahan ay si Vice ganda, na isa na rin kilalang comedian 








Friday, April 20, 2012

Juan's Top Jobs

Panahon na naman nang graduation at dadgdag na naman ang ating mga graduates sa mga mag hahanap nang trabaho, Kailnagan pa ni Juan mangibang bayan para lamang kumita nang kaunti at kahit mawalay sa pamilya ay kanyang titiisin. Mag bukas ka nang dyaryo ano ba nakikita mo na madaming Job Opportunities

Juan's Top jobs
1) Call Center Agent - Mga dayuhang kompanya nag tatayo dito nang kanilang BPO companies sa kadahilanang mas mababa  ang labor natin at mas mura ang operational expense, pero alam nyo ba napaka taas nang turnover sa mga callcenters, kaya mapapnsin nyo na all year, tuloy tuloy ang hiring! kung papasukin mo ito kailangan ang isang basic skill, marunong mag Ingles at marunong mag computer. kahit highschool graduate or college level pwde, kang pumasok.

2) Technical Support - Ito rin ay sa BPO, mga outsourcing din, mga cliente ay banyaga, mga accounts ay sa cellphone, computers, cable TV, Sattelite TV, etc...

3) Medical related outsourcing - Haay puro na talaga BPO, before naalala nyo na ang nursing ay patok na patok, pero kamakailan, natigil ang pag hire sa America at sa mga iba pang Europian countries. So karamihan nang mga graduate ay  sa call center pa din, mga health care account  . Kalimitan mga insurance claims, Reviewers nang health documents, haaay, nag aral ka pa at Customer service din sa mga banyaga...

4) Sales and Marketing Jobs - Pag bebenta ng bahay, lupa, condo, at  multi level marketing. Ito ay commision based at allowances lang ang natatanggap.

5) Skilled worker sa abroad - madalas ay sa Saudi, mga welder, electrician, plumber, family driver. Binabarat , kasi mas madami nang mga  kakumpetensya na mga Indian at Pakistani.

6) Food Attendants - Kalimitan  ito ay sa mga working students or out of schools, sa Jolibee , Mc Donalds at sa mga iba pang fastfood restaurants. Ito ay  contactual lang

7) IT related Jobs -  Sa panahon ngayon nang computer, walang kumpanya na walang computer at networking, kasama na dito mga computer technician, programmer etc..

Sa panahon ngayon sa Pinas talgang mahirap makakakuha nang trabaho, sabayan mo pa nang mababang sweldo. San na ba tayong mga Pinoy, paano mabubuhay si Juan....