Who is viewing

Sunday, May 13, 2012

Kwek kwek ang hinahanap....


Madalas mo ito makikita na ibinebenta sa sidewalk or minsan meron na din sa mall. Mga studyante man o mga papasok sa trabaho ,tumitigil muna upang kumain ng Kwek Kwek o Tukneneng. Ang kwek kwek ay itlog ng pato , balot o penoy, na ibinalot sa Harina na may food coloring atska ipri- prito.

image via http://venzsecretworld.blogspot.com/

image via http://www.spot.ph/featured
Isa ito sa mga pinaka sikat na pinoy streetfood, dahil sa mura at patok sa panlasang pinoy. Ito ay kinakain na may kasamang suka, na tinimplahan ng sibuyas, asin at sili, samahan pa ng ginayat na pipino. Talagang mapapaulit ka sa sarap!


Monday, May 7, 2012

Mary Jennifer Doroga Saludo kami sayo

Isa na naman kahanga hanga na Pinoy, Mary Jennifer Doroga isang Janitress sa NAIA ang may ginintuang puso na nag balik ng isang pouch na may nag kakahalagang P 1.2 million na pera, kahit sya ay nangangailangan ng perang  pang pagamot sa kanyang magulang. Minabuti nya na i surrender sa lost and found department ng airport. Hinangaan si Mary Jennifer sa kanyang katapatan ng NAIA officers, Saludo kami sayo Jennifer, dito sa Only In The Philippines... 
  

Mon, Raymart at Claudine, sino ang tama at sino ang mali?

Sino ang tama at sino ang mali? nag karon ng di magandang pag tatalo sa kampo nila Raymart Santiago at asawa nitong si Claudine Barreto at ang kolumnistang si Mon Tulfo, Galing ng Davao si Mon at nakatawag ng pansin nya ang isang babae na sumisigaw sa isang ground attendant ng Cebu pacific, ayon kay Tulfo naki sentimiento daw sya sa babae na na identify na si Claudine, dahil ay ang dahilan daw ng pag tataray nitong si Claudine ay ang pag ka- iwan ng kanilang bagahe, flight from Boracay to Manila. Ayon kay Tulfo kumuha sya ng mga litrato, at ng biglang lumapit si Raymart, na pilit inaagaw ang kanyang cellphone at duon na nag umpisa ang bugbugan. 
Makikita na pinagtutulungan dito si Mon Tulfo

    Normal naman talaga na kung minsan ang mga bagage ay hindi nasasama sa flight dahil  sa  masyadong overweight na ang bigat ng eroplano, pero dapat ang mga pasahero ay na informed kaagad na mag kaka-delay sa kanilang mga bagage. Ito naman si Claudine ay dapat kinausap  ng maayos ang ground staff ng Cebu Pacific at di  nag tatalak na tumawag ng pansin sa mga tao sa loob ng airport. Trabaho ni Mon bilang isang journalist ang lumagap ng balita, siguro di umano, kaya gusto makuha ng kampo nila Raymart ang cellphone ay ayaw nila makita kung paano nila tratuhin at alipustahin ang staff ng Cebu Pacific. Normal lang ang magiging reaksyon ni Mon sa ginawa na pag lapit at pag pilit na pag kuha sakanyang cellphone, kahit sino naman ay ganyan din ang magiging reaksyon. Ayon sa statement ni Raymart ng mapansin nya na may kumukuha ng litrato ay nilapitan daw nya si Mon at sabi nya " Sir ano po ang ginagawa nyo at bigla nalang ako sinuntok'' ? sa tingin nyo accurate ang pag saslaysay ni Santiago? una, hindi naman kayo kaaway ni Mon upang kaagad kayo suntukin? Kung ayaw nyo na kayo ay makunan ng litrato or video ay  wag kayo gagawa ng ingay na  makaka -tawag ng pansin sa mga tao duon sa loob ng airport. Kung kinausap nyo sana ng maayos ang management ng Cebu Pacific,di  naging maayos ang pag resolba ng problema, at di na sana nauwe sa isang suntukan at bugbugan. 

Sunday, May 6, 2012

Featured writer Glenn Lloyd Calumpang, CJ = Chief Juan Ang Nasasakdal

I just want to share an email  from  Glenn Lloyd Calumpang  




CJ = Chief Juan Ang Nasasakdal

By: Glenn Lloyd Calumpang

Iluloklok kita bilang ganito, ganyan

basta’t pagdating ng panahon

Ako’y iyong tutulungan
Bumaba na sa kapangyarihan
Madla ngayon, pamilya’y pinagkaguluhan

Nais pumunta doon upang magtago
Ngunit karamiha’y di sang-ayon
Nag issue ng T.R.O. para sa travel ban
Na nagbigay daan para sa arrest warrant

Impeachment ngayon ang kaso
Sa taong akala mo’y isang aso
Tuta pala, gatas nilalaklak sa baso
Galing sa maliit na among abuso

Wika pa niya 
“patayin niyo muna ako,
bago alisin sa pwesto”
Lakas ng loob dibdib parang bato

Pero di masabi ni Juan
kung ano’ng pinagkukunan 
Perang ginastos ni kawatan

Buong tapang pinagtatanggol
Ang sarili sa mga naghahabol
Tinatabunan ng habol
Katotohan sa lukot na bulbol

Pero kung katotohanan ang ipapairal
Tiyak kong itoy di babagal
At itong nasasakdal 
Ay di na magtatagal

Got articles or poems? share it with our readers, email me @ onlyinthephilippines2012@gmail.com

Saturday, May 5, 2012

Kropek...

Maulan na ngayon, wala magawa sa loob nang bahay kung di mag computer at manood ng TV, dahil Sabado ngayon... La naman akong pera para gumala, Php 20.00 lang ang laman ng aking wallet, naalala nyo ba ang comercial sa TV yung sa Corneto na kung saan aabot ang Vente pesos mo? Kaya ako ay nag punta sa tindahaan upang maka bili ng makakain, ang mahal naman ng mg chips, gaya ng Piatos, Cheepy, asa Php 10.00 ang maliit na pack, at bigla ko nakita sa sulok ng tindahan, haaaay Kropek. Sabi ko magkano po ito? sabi saakin ay Php6.00 kada balot, ay kasya na ang natitira kong pera...


Medyo lumiit na ngayon ang kropek di gaya ng dati, malaki at mahaba, kung iisipin mo nga naman sa halagang anim na piso kada balot,  ang maganda kapartner nito ay ang ma-anghang na suka...


 
Bumili ako ng dalawang balot, at ito ay nag-kakahalaga ng Php12.00, may sukli pa ako na Php 8.00... ano naman kaya ang mabibili ko sa ocho pesos?, ah alam ko na, '' Ate pabili ng RC'', ''magkano po''?. ''Siete pesos lang'', nakangiti na sabi ng tindera, paalis na ako at biglang tinawag ako ng tindera,'' Iho, may sukli ka pa" at sinabi ko  '' Kip da change ate''.... Sadyang napaka mahal na ngayon ang bilihin....


Sino kaya ang karapat dapat? National Artist...

Ang National Artist award ay ibinibigay sa isang Filipino na nag bigay ng napalaking Kontribution sa Philippine arts, ngayon ay isang maugong na pag tatalo kung sino ang karapat dapat? may nag sasabi na Si Dolphy, Nora or si Vilma.  


Ito ang mg criteria upang magawaran ang isang candidato ng parangal
  1. Living artists who have been Filipino citizens for the last ten years prior to nomination as well as those who have died after the establishment of the award in 1972 but were Filipino citizens at the time of their death;
  2. Artists who have helped build a Filipino sense of nationhood through the content and form of their works;
  3. Artists who have distinguished themselves by pioneering in a mode of creative expression or style, making an impact on succeeding generations of artists;
  4. Artists who have created a significant body of works and/or have consistently displayed excellence in the practice of their art form, enriching artistic expression or style; and
  5. Artists who enjoy broad acceptance through prestigious national and/or international recognition, awards in prestigious national and/or international events, critical acclaim and/or reviews of their works, and/or respect and esteem from peers within an artistic discipline.


Boto na!


Get your own Poll!
Source : Wikipedia

Remembering Mang Palito...


Image via http://paulding.blogspot.com
Mang Palito (September 4, 1933 – April 12, 2010) Salamat sa mga katatawanan at ligaya na ibinigay nyo sa amin. Isa kayo sa mga magagaling na artistang Pilipino, Di namin kayo malilimutan...

Friday, May 4, 2012

Paano ba matulog sa Pera?


Dedicated to a friend long gone...

Philippines my Philippines...

image via http://ph.news.yahoo.com
I love my motherland, This is the place I grew up in, and this is the place I would like to die... but what is happening to my beloved country? We must leave the Philippines in order to survive, Filipinos taking odd jobs just to feed their families. During the 60's and early 70's the Philippines is a progressive country, other Asian countries dreamed of coming to the Philippines to find a better life here.
image http://www.taopo.org

http://filipinolifeinpictures.blogspot.com
Maybe it's time to have a change, we are living in this kind of condition for decades now. What I think Filipino's lack, is the true love of our country. We have this hard wired inside of us the "Kanya -Kanya'' System'' meaning as long as I'm ok, I don't care for the others well- being. When can we expect a change? maybe not in our lifetime?, is there still hope?.    

Ang gulo gulo...


Ano ang unang pumapasok sa isipan mo?















Thursday, May 3, 2012

PNoy to China ''Paggalingan nalang tyo sa FB...''








Ang Pusa na si Muning....


Hulaan kung anong chocolate ang mga ito...


Ang huling litrato ni Jomar...

Meron ako'ng kaibigan na nag tatarbaho sa spain, at sya ay isang photograper, ito ang kanyang huling litrato na nailathala.

Ang sayaw ng hayop ng mga aeta...

Kami ng mga ka- grupo ko ay umakyat sa isang bundok sa may Zambales sa Mt. Cinco Picos, o ibig sabihin ay 5 peaks, sadyang masyadong malayo at mahaba ang lakadin.

Sadyang napakalayo ng Cinco Picos
  At dun ko nakilala ang isang Aeta guide na si James. Ayon kay James madalas daw talga sila mag Guide sa mga tourista, mga mountaineer na nais maakyat at makita ang kagandahan ng Cinco Picos.


Ang sabi nya sakin ito daw ang madalas nilang pag kakitaan, kung minsan sila ay nangangahoy sa kagubatan kung bihira ang umaakyat. Madami kami napag kwentuhan habang kami ay nag lalakad, kwento nya sakin ang tungkol sa mga katututubong aeta, sabi nya may mga aeta na nalahian na daw ng mga unat? sabi ko ano ba yung unat, ung mga kagaya ko daw na unat ang buhok. Tanong ko naman sakanya '' James ikaw ba may asawa na?'' sagot naman nya '' wala pa po kasi mahirap ang buhay''. Mahirap talaga ang kanilang maliit na barangay ,masyadong malayo sa kabihasnan wala din silang health center na malapit para sakanilang pangangailangan pangkalusugan. kaya laking tuwa nila kung mayroong mga aakyat sa kabundukan upang kanilang ma-guide. Habang kami ay nag papahinga sabi sakin ni James kung gusto ko daw makita ang kanilang sayaw ng hayop? sabi ko sige at nang aking makita.

                                           click to see video


Pinoy Body Piercing

Sa panahon ngayon usong uso na  ang pag pa Tatoo, hikaw sa ibat ibang bahagi ng katawan. Ito ba ay mapanganib? Ang sagot ko ay PWEDE , Katulad ng impeksyon or ang ang pamamaga ng bahagi na tinatuan o ang nilagyan ng body art. Ang isa pang pwde na makuha ay ang mga sakit na nakukuha sa dugo, kagaya ng Hepa B, Hepa C pwde din ang HIV. Kaya ito ay lubhang mapanganib kung ang gagawa nito ay walang sapat na kaalaman sa wastong pag iingat. 

Image via http://www.spot.ph
 Alam nyo ba na ang mga tattoo parlors ay kailangan na may permit mula sa DOH, ang sino man na lalabag  ay may kaukulang parusa na 6 na buwan hanggang 6 na taon pag kakakulong at multa mula Php 100,000 - Php 200,000. Kaya pumunta lamang sa mga DOH certified Tatto parlors



Image via http://www.spot.ph
Mga Top 5 Tattoo parlors

1.   TATTOO BY GENE TESTA
Address: 3/F Bodysenses, Robinson's Galleria, Ortigas, Pasig City
Contact number: 0917-4135626
Operating hours: Mondays to Sundays, 10 a.m. to 9 p.m.
Price range: Starts at P1,500
Inks used: Kuro Sumi, Vivid Colors, Screen Ink
Star artist: Gene Testa
Sanitation practices: Disposable needles
Accreditation: DOH certified

2. P & P TATTOO
Address: 45 Polaris Street, Makati City
Contact number: 890-8037
Operating hours: Mondays (12 p.m. to 8 p.m.), Tuesdays to Saturdays (12 p.m. to 10 p.m.),   Sundays (2 p.m. to 9 p.m.)
Price range: Starts at P2,000
Inks used: Starbrite Colors
Star artists: Myke Sambajon, Max Tandoy, Ronian Poe, Jake Cuerpo, and Pablo Tobias
Sanitation practices: All products are brand new, sterilized and imported from the U.S. including soap which are shipped gallons at a time.
Accreditation: DOH certified


3. TATTOO AT JOE'S
Address: 28 J. Elizalde St., BF Homes, Sucat, Paranaque City
Contact number: 0916-5786493
Price range: Starts at P2,000
Inks used: Imported pigments from the U.S.
Star artist: Joe Saliendra
Sanitation practices: Autoclave sterilization, disposable needles, ink caps, gloves, etc.
Accreditation: DOH certified, one of the founders of the Philippine Tattoo Artists Guild


4.   DYUNTATS
Address: 27 Naguilian St., New Haven Village, Quezon City
Contact number: 0928-5029159
Operating hours: Mondays to Saturdays, 10 a.m. onwards
Price range: Starts at P1,000 for black and gray and P1,500 for colored
Inks used: Kuro Sumi, Talens, Dynamic, Starbrite Colors, MOM's Colors, Eternal Colors
Star artist: Dyun Depasupil
Sanitation practices: Manual and ultrasonic cleaning, Cidex solution disinfection, and autoclave sterilization
Accreditation: DOH certified


5.   REPUBLIC TATTOO
Address: 2/F Promenade Building, 198 Wilson corner P. Guevarra St., San Juan City
Contact number: 0920-9106863
Price range: Starts at P2,000.00 for a 2" x 2" piece
Inks used: Kuro Sumi, Intenze, and Starbrite Colors
Specialties: Each artist has his own specialty (i.e. Oriental, Traditional Japanese, Tribal, Traditional Western, and so on)
Sanitation practices: Ultrasonic cleaners, dry heat sterilizers, autoclave machines, disposable needles, ink cups, gloves and the like
Accreditation: DOH certified